Saturday, October 22, 2005

hay kakapagod ang araw na ito. masarap magshopping kaso nakakainis ang trapik sa pilipinas!!! hindi pa man nobyembre, masikip na ang tutuban at divisoria. cguro natuto na ang mga tao na pagtapak ng nobyembre lalu na yung huling linggo nito ay napakasikip sa pasilio ng mga bargain malls sa divisoria. nagtataka ako kung ang mga stalls ba duon ay nagbabayad ng buwis samantalang wala naman silang ibiniggay na resibo kasama ng mga pinamili mo. mas nagtataka ako kung napapakinabangan ba ng pilipinas ang micro retail businesses na ito eh samantalang parang di sila nagbabayad ng tax. hmmm ewan ko kung masasabing hindi ako epektibong pinoy dahil sa pagsuporta ko sa mga ganitong pamilihan kung saan mura nga ang tinda dahil walang patong na tax. maihahanay din ba ako sa mga walang wentang mamamayan sa tuwing namimili ako sa tutuban at divisoria??? sa aking palagay ay hindi no... matalinong mamimili lang ako. eh tutal nagbabayad naman ako ng tax bilang call center employee eh di ibabawi ko nalang yung mga tax ko sa pagbili ng mga bargain retail clothes. malaki tlaga ang tipid sa divi at tutuban, pede kapa tumawad! pero naawa rin ako sa mga salesladies tuwing humihingi ako ng bawas kasi baka nababawasan din ang kumisyon nila.

mahirap talaga mamimili lalo na kung limitado ang budget... pero dahil sa tutuban at divisoria yung gagastusin mo sa pagbili ng isang slocks na presyong P500 sa sm/rustans/robinsons at sosyal na pamilihan ay makakabili ng 3 slocks (at P150 each) may sukli kapang P50 = pambili ng palamig (orbitz @ P35) habang nabuburo ka sa trapik pauwi + pamasahe (P15 para sa 2x sakay)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home